Paano ba ang tamang paggamit ng Home Pregnancy Test Kit ?
Paano ba gamitin ang Home Pregnancy Test? Paano ba ang tamang paggamit ng home pregnancy test kit (PT) ? Dahil may iba't ibang klase ng home pregnancy test kit, may pagkakaiba rin po sa paraan ng paggamit at pagbabasa ng results sa bawat isa sa kanila. Mayroon pong instructions o guide sa loob ng pack or sa mismong karton o wrapper ng PT kit. Maiigi po na basahin ito nang mabuti para hindi po tayo magkamali sa pag-administer natin ng test at sa pagbabasa ng resulta. Paalala lang po: Mas mainam din po na gamitin niyo ang PT kit kapag isang linggo na pong delayed ang buwanang dalaw niyo o higit pa. Kapag masyado pa po kasing maaga, pwedeng hindi pa masyadong mataas ang HCG levels sa ihi niyo kaya hindi rin po ito madedetect ng pregnancy test kit. Kung ganoon po ang mangyayari, magiging negative po ang resulta ng test kahit buntis na po kayo. Sa paggamit po ng home pregnancy test kit, kadalasan po ay kailangan niyong kumuha ng konting sample ng pinakaunang ihi niyo sa umaga gamit ang