WARNING SIGNS sa Ultrasound Results mo : Ano ba ang NORMAL Ultrasound Results ? Ano ba ang hindi ?
Nagpaultrasound ka at gustong gusto mo nang malaman kung OK ba o normal ang results. Yun nga lang, ilang araw pa o linggo ang kailangan mong hintayin bago ang next appointment mo sa OB o MIDWIFE mo. Para mabawasan ang pag-aalala mo, ise-share ko po ngayon kung ano-ano ba ang kadalasang mababasa mo sa isang NORMAL na ultrasound result. Magseshare din po ako ng mga WARNING SIGNS o yung mga indicators po na kailangan niyo po magpaearly appointment sa doktor niyo dahil may kakaiba sa results niyo.
So, ANO NGA BA ANG NORMAL NA ULTRASOUND RESULTS ? Paano mo ba malalaman kung OK ba ang resulta niyo ni baby at healthy kayo ? Ano - ano naman ang mga WARNING SIGNS sa pagbubuntis mo na pwedeng makita sa ultrasound results ?
Bago po natin simulan, linawin ko lang po na ito po ay para sa PELVIC and BPS Ultrasound Tests lang po, hindi po kasama ang TRANSVAG1NAL, CAS, at iba pa. Bakit? Dahil mas COMPLICATED po ang ibang mga ultrasound kaya mas mainam po na hintayin niyo po na ang mismong OB niyo ang magpaliwanag sa inyo ng mga results.
Mga maaaring makita mo sa Pelvic at BPS Ultrasound Results
- Kung ilan ang ipinagbubuntis mo - Single, singleton, twins, triplets, etc.
- Kung anong presentation ni baby - Kapag CEPHALIC, nasa ilalim ng ribs niyo ang kanyang pwet at mga paa, at ang ulo ni baby ay nasa bandang puson niyo. Ito po ang ideal na posisyon kung manganganak na po kayo. BREECH po kapag ang paa o pwet po ni baby ang nasa may puson nyo at ang ulo po ni baby ang nasa bandang taas at TRANSVERSE naman po kapag PAHALANG si baby. Karaniwang inirerekomenda po for Cesarean delivery kapag BREECH o TRANSVERSE pa rin po ang position ni baby sa 36th week niyo - PERO kung malayo pa po kayo sa kabuwanan niyo, malaki pa po ang chance na umikot si baby at maging CEPHALIC.
- Kung gaano na kalaki at kabigat si baby - Eto po yung BPD (biparietal diameter) o diameter ng ulo ni baby, HC (head circumference) o distansya sa paligid ng ulo ni baby, AC (abdominal circumference) o distansiya sa paligid ng tiyan ni baby, at FL (femur length) o haba ng buto sa hita ni baby. Kasama din po dito ang EFW (Estimated Fetal Weight) o ang tinatayang timbang ni baby. Ang mga sukat po na ito ang nagiging basehan ng EDD o Estimated Due Date niyo sa Ultrasound Results. Wala pong dapat ipag-alala kung ang Ultrasound EDD mo ay hindi gaanong malayo sa LMP EDD mo. Normal lang po kung halos parehas o kahit pa may isang linggong pagitan ang LMP EDD mo sa Ultrasound EDD mo. (Paano ba malalaman ang LMP EDD ? )
- Kung anong lokasyon ng placenta o inunan mo at kung ano na ang maturity nito. Kapag sinabing the PLACENTA is POSTERIOR, ibig sabihin nasa likuran ng uterus mo ang inunan. Kapag ANTERIOR, nasa harapan naman. Parehas pong NORMAL yun. Ang pinagkaiba lang po, mas madali mong mararamdaman ang paggalaw ni baby kung POSTERIOR ang placenta mo. Sa GRADE naman po o maturity ng placenta, GRADE 0 po kadalasan sa 1st trimester ng pregnancy, or hanggang sa pagsisimula ng 2nd trimester. Nagiging GRADE 1 na po kapag nasa 5th/or 6th month na po ng pagbubuntis hanggang 8th month po, tapos GRADE 2 kapag 7th hanggang 37th week mo, at Grade 3 po kapag 38 week niyo na po. Dapat din HIGH LYING po ang placenta.
- Kung sapat ba ang panubigan mo. Kapag sinabing "Amniotic Fluid is ADEQUATE" o "Amniotic Fluid is NORMAL", ibig sabihin, sapat ang dami ng panubigan mo. Ibig sabihin, nasa pagitan ng 5cm to 25cm ang amniotic fluid index o panubigan mo at NORMOHYDRAMNIOS ka.
- Kung normal ba ang GALAW at Heart Rate ni baby. Ang karaniwang heart rate po o cardiac pulsation ni baby ay nasa pagitan ng 110 to 170 beats per minute (BPM). Dapat din po nakalagay sa results na Regular o Normal ang activity o somatic movements ni baby.
- Kung anong GENDER ni baby.
- Kung may abnormalities ba kay baby. Normal at walang congenital defect si baby kapag nakalagay na "No gross fetal anomaly detected" o "No fetal abnormality seen".
- Kung may nakapulupot na umbilical chord sa leeg ni baby. "No nuchal cord coil seen" po ang nakalagay kung walang nakapulupot na umbilical chord sa leeg ni baby.
Kung BPS Ultrasound po, kailangan makakuha si baby ng 8/8 na score. Ibig sabihin, normal at maayos ang kanyang paghinga at paggalaw, pati na rin ang dami ng panubigan mo.
WARNING SIGNS sa Pelvic at BPS Ultrasound Results
- BREECH o TRANSVERSE position. Kapag ito ang nakitang presentation ni baby at kabuwanan mo na, malaki ang chance na ikaw ay ma-Cesarean section delivery.
- Malayo ang LMP EDD mo sa Ultrasound EDD. Kapag masyado pong malayo ang petsa ng LMP EDD mo sa Ultrasound EDD, maaaring mali lang ang pagkakaaalala mo sa LMP mo, o kaya ay masyadong maliit o masyadong malaki si baby base sa Estimated Fetal Weight para sa edad niya.
- LOW LYING Placenta, Placenta Previa, Partial Placenta Previa, Marginal Placenta Previa, Complete Placenta Previa. May risk po na magkaroon kayo ng bleeding, mapaaga ang panganganak, atbp.
- Hindi tugma ang GRADE ng placenta mo sa pagbubuntis mo. Dapat ang maturity ng placenta mo ay naaayon sa expected na Grade nito depende sa kung pang-ilang linggo mo na. GRADE 0 po kadalasan sa 1st trimester ng pregnancy, o hanggang sa pagsisimula ng 2nd trimester. Nagiging GRADE 1 kapag nasa 5th/or 6th month na po ng pagbubuntis, GRADE 2 kapag 7th month hanggang 37th week mo, at Grade 3 naman po kapag 38th week niyo na po.
- Oligohydramnios at Polyhydramnios. Oligohydramnios kapag KULANG ang amniotic fluid mo. Polydramnios naman po kapag SOBRA. Maaaring dahil po ito sa kondisyon niyo gaya ng hypertension, diabetes, impeksyon, atbp, o maaari din pong may congenital defects si baby, o pwede rin pong nagrupture o naglileak ang panubigan niyo.
- Masyadong mataas o mababang heart rate ni baby.
- Nuchal Cord Coils. Kapag may nuchal cord coil na nakita kay baby, ibig sabihin may nakapulupot na bahagi ng umbilical cord sa leeg ni baby.
Kapag nakita niyo po ang mga warning signs na ito sa ultrasound niyo, HUWAG po kayong magpanic. Sa halip, mainam pong magpa-early appointment na po kayo sa OB o midwife niyo para magabayan po nila kayo sa kung anong dapat niyong gawin sa pagbubuntis niyo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento