Saan pwedeng bumili ng Home Pregnancy Test kit at Magkano?

Kung gusto mong masigurado na buntis ka, mainam na gumamit ng home pregnancy test kit isang linggo pagkalipas ng inaasahan mong unang araw ng buwanang dalaw o menstruation mo.

Saan ba makakabili ng Home Pregnancy Test Kit? Pwede kang bumili ng Pregnancy Test Kit sa mga botikang malapit sa inyo gaya ng Mercury Drug, South Star, The Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Watsons, at iba pa. Bukod sa mga botika, may ilang mga branches ng convenience stores gaya ng Alfamart at 7-Eleven na meron ding itinitindang home PT kits. 

Kung ayaw mo namang lumabas, pwede ka ring bumili ng home pregnancy test kits online. Available din ito sa mga online shopping sites gaya ng Shopee at Lazada.

Magkano ang Home Pregnancy Test Kits?

Makakabili kayo ng PT kits sa halagang PhP15 hanggang PhP200 bawat isa, depende kung saan kayo bibili at kung anong brand ang bibilhin niyo. 

Sa inyong pagbili ng pregnancy test kit, siguraduhing hindi pa po expired at maayos po ang packaging nito.

Mga Komento