Kailan dapat magpa ULTRASOUND para malaman ang GENDER ni baby ?
Kung gusto mong malaman kung BOY o GIRL ba si baby, walang mas mainam na paraan para sa gender prediction bukod sa pagpapa- ULTRASOUND for GENDER SCAN. Kaya ang tanong,
Kailan ba dapat magpa- ULTRASOUND para malaman ang GENDER ni baby?
Kung magpapaultrasound ka para malaman kung boy o girl ang baby mo, mainam na gawin ito sa pagitan ng 18 to 24 weeks ng pagbubuntis mo o mula 4 months hanggang 6 months si baby. Sa panahong ito, mas malaki na si baby, buo na ang kanyang genitalia, at mas maayos na ang kanyang pagkakapwesto kaya mas magiging madali para sa sonographer na makita kung siya ba ay BOY o GIRL.
Sa pagpapa - ultrasound para malaman ang gender ni baby, tandaan na may mga ilan pa ring mga bagay na maaaring makaapekto sa accuracy ng ultrasound test results BUKOD sa edad ni baby. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
Una, ang pwesto ni baby sa oras ng ultrasound scan. Mas madaling makikita ng sonographer ang gender ni baby kapag nakacephalic position siya (Ang ulo ay nasa baba, sa bandang puson) at nakabukaka siya.
Pangalawa, ang ultrasound machine na gagamitin. Kadalasang may mga lumang equipment na mahina na ang soundwaves na tinatransmit kaya malabo na ang imaging scans na nakukuha. Kapag ganun, hindi rin malinaw ang mga imaheng magiging basehan ng sonographer sa pagpe- predict ng gender ni baby.
Pangatlo, ang skills at experience ng sonographer. Ang sonographer ay ang healthcare professional na nag-ooperate ng ultrasound machine at nagbabasa ng results. Maiging maghanap ng sonographer na magaling at matiyaga sa paghahanap ng tamang puwesto kung saan mas madaling madedetect ng transducer o probe ang mga imaging scans. Mas maganda rin kung ang sonographer na gagawa ng ultrasound mo ay sanay na sa paghanap at pagtingin ng gender signs o yung hamburger sign para sa GIRL at yung turtle sign para sa BOY.
Makakaapekto rin kung kambal o higit pa ang iyong ipinagbubuntis, pati na rin kung overweight o obese ka ba. Ito ay dahil sa mas mahihirapang makakuha ng malinaw na scans ang sonographer kung mas marami ang nakaharang sa sound waves at echo signals.
Base sa iba't ibang websites gaya ng WebMd.com, Bump.com, Verywellfamily.com, Cnn.com, at iba pa, ang accuracy daw ng ultrasound gender scan ay karaniwang nasa pagitan ng 90 to 95 % kung gagawin ito sa pagitan ng 18 to 24 weeks ng pagbubuntis. Ibig sabihin, hindi natin masasabing 100% sure na tama ang magiging resulta nito, PERO, kumpara sa mga pregnancy myths, di hamak na mas malaki ang chance na tama ang gender na nasa ultrasound results.
Kung magpapa- ultrasound ka at balak mo nang bumili ng mga gamit ni baby, mainam na kausapin mo ang sonographer para malaman kung gaano siya kasigurado sa nakita niyang gender ni baby. Kapag hindi maayos ang pwesto ni baby habang inu- ultrasound, karaniwang pababalikin kayo ng sonogapher para sa isa pang ultrasound gender scan.
Karaniwan rin na tatlo o higit pang beses nagpapaultrasound ang isang buntis dito sa Pilipinas. Ang unang nirerequest ng OB o midwife ay ang transvaginal ultrasound na ginagawa sa unang trimester para makumpirma ang pagbubuntis, malaman kung ilan ang ipinagbubuntis, madetect ang heartbeat ni baby, at malaman kung ilang linggo ka nang buntis. Ang sumunod naman ay ang pelvic ultrasound kung saan kasama nang ginagawa ang gender scanning. Ang huli ay ang BPS o Biophysical Profile Score ultrasound na ginagawa upang macheck ang pangkalahatang lagay ni baby - mula sa paggalaw at paghinga ni baby hanggang sa dami ng amniotic fluid. Maaari din na magrequest pa ng ibang klaseng mga ultrasound o mas maraming scans pa ang iyong OB Gyne o midwife, depende sa kung ano ang kailangan macheck sa baby mo. Sa bawat pagpapaultrasound mo, maaari mong tanungin ang sonographer kung anong gender ang nakikita niya para mas makasigurado ka kung BOY o GIRL ba ang baby mo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento