Usapang Gender : Boy o Girl ba ang baby ko? Paano ko malalaman ang gender ni baby?
Paano malalaman ang gender ni baby? Sa ultrasound nga lang ba?
Maraming myths sa kung paano mo pwedeng malaman kung boy o girl ba ang baby mo. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga ito :
- HEART RATE. Kapag 140 beats per minute o higit pa ang karaniwang heart rate ni baby, GIRL. Kapag below 140 beats per minute, BOY.
- MATAAS o MABABA ang tiyan. Kapag mataas daw an tiyan, GIRL. Kapag mababa, BOY.
- PATULIS o PABILOG ang tiyan. Kapag patulis daw, BOY, Kapag pabilog, GIRL.
- MATAMIS o MAASIM ang pinaglilihian. Kapag naglilihi ka raw sa mga pagkaing matatamis, GIRL. Kapag maasim naman ang gusto mo, BOY.
- MALALA o HINDI ang MORNING SICKNESS. Kapag malala daw ang dinadanas mong morning sickness, GIRL. Kapag mild lang, BOY.
- BLOOMING o HINDI ang buntis. Kapag blooming daw ang nagbubuntis, GIRL. Kapag hindi, BOY.
- KANAN o KALIWANG side ang higa. Kapag sa kaliwa daw ang higa mo, BOY, Kapag sa kanan, GIRL.
- UMITIM ba o HINDI. Kapag umitim daw ang kili-kili, leeg, singit, at nipples ng buntis, BOY. Kapag hindi, GIRL.
- PAREHAS na ODD o EVEN. Kapag parehas na ODD o parehas na EVEN ang edad mo nung nabuo si baby at ang taon ng pagbubuntis mo, GIRL (Halimbawa, nabuntis ka this 2021, tapos 27 years old ka, parehas na ODD). Kapag magkaiba, BOY.
- FIZZ reaction o WALA sa BAKING SODA TEST. Kapag nag-FIZZ daw o bumula yung urine mo kapag hinalo sa baking soda, BOY. Kapag walang nangyaring reaction, GIRL.
- CHINESE LUNAR CALENDAR - based sa kung ilang taon ka na - in LUNAR years - at kung anong buwan nabuo si baby (month of conception). Halimbawa, nabuntis ka noong 27 years old ka, nung month ng May. Based sa Chinese Lunar Calendar Gender Prediction chart sa baba, GIRL daw ang magiging baby mo.
Based sa experience ko po sa anim ko pong mga anak, hindi po totoo ang mga myth na ito at hindi po sila magandang basehan sa kung anong gender ni baby pagkapanganak niyo. Minsan po tumatama, minsan hindi. Mas mainam pa rin pong basehan ang ULTRASOUND.
Kung magpapaultrasound para malaman kung boy o girl si baby, mainam na gawin ito sa pagitan ng 18 to 24 weeks ng pagbubuntis mo para mas malaki na si baby, mas developed na ang kanyang genitalia, at mas maayos na ang kanyang pagkakapwesto.
Sa pagpapa - ultrasound para malaman ang gender ni baby, tandaan na may mga ilan pa ring bagay na maaaring makaapekto sa accuracy nito. Ilan dito ay (1) ang pwesto ni baby sa oras ng ultrasound scan ; (2) kung gaano kalinaw at kaayos ang machine na ginagamit; at (3) kung gaano kagaling ang sonographer o yung healthcare professional na nag-ooperate ng machine at nagbabasa ng results. Dahil dito, may mga mga pagkakataon na nagiging mali rin ang ultrasound gender scan - ngunit, kumpara sa mga pregnancy myths na nabanggit ko kanina, di hamak na mas malaki ang chance na tama ang gender na nasa ultrasound results.
Kung magpapa- ultrasound ka at balak mo nang bumili ng mga gamit ni baby, mainam na kausapin niyo po muna ang sonographer para malaman kung gaano siya kasigurado sa nakita niyang gender ni baby. Kapag hindi maayos ang pwesto ni baby habang inu- ultrasound o hindi pa ganong developed ang genitalia ni baby sa oras ng pag-uultrasound, karaniwang pababalikin kayo ng sonogapher para sa isa pang ultrasound gender scan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento