Usapang Due Date : Kailan ba ako manganganak ? Ilang weeks na ba ako ? (Warning : MATH AHEAD )

Kung nakumpirma mo na na ikaw ay buntis sa pamamagitan ng home pregnancy test at sa pagsangguni sa isang doktor o midwife, paano mo naman malalaman kung kailan ka manganganak? ilang weeks na ba si baby?

Para malaman natin kung kailan ba tayo manganganak, dapat muna nating malaman kung gaano ba katagal ang isang pagbubuntis. Gaano nga ba katagal ang isang pagbubuntis? Siyam na buwan nga lang ba? Ibig sabihin ba, ang isang pagbubuntis ay tumatagal lang ng 270 days? O kaya ibig bang sabihin, 36 weeks lang? Hindi po. Sa pag compute po ng ating EDD, estimated due date o ang araw kung kailan tayo posibleng manganak, 280 days o 40 weeks po ang ginagawang basehan ng mga doktor at midwife. 

Sa pagbilang po ng 280 days na pagbubuntis, magsisimula po ang bilang sa unang araw ng huling buwanang dalaw o menstruation. Ito po yung nakasulat sa mga Maternity Card o records natin na LMP o Last Menstrual Period. Halimbawa, kung ngayong December 15 ang LMP o unang araw ng huling menstuation mo, tinatayang 280 days mula ngayon o sa September 21, 2022 ang due date mo o ang araw kung kailangan ka maaaring manganganak.

May simpleng method sa kung paano kinocompute ng mga health practitioners ang ating due date base sa LMP nang hindi gumagamit ng calculator. Ito ang Naegele's Rule. Yun nga lang, minsan hindi ito sumasakto sa 280 days dahil may mga buwan na 31 days ang itinatagal. 

Halimbawa, ang LMP mo ay March 19, 2021 at iaapply natin ang Naegele's Rule. Ganito ang gagawin natin..

  • Step 1: Dagdagan ng 7 days ang araw >>> 19 + 7 = 26
  • Step 2: Dagdagan ng 9 months ang buwan >>> Ang March ay ikatlong buwan = 3 + 9 na buwan = 12. Ang 12th month ay December.
  • Step 3: Baguhin ang taon kung kailangan.

Samakatwid, lumalabas na ang EDD o Estimated Due Date o araw na maaari kang manganak ay December 26, 2021.

Pero kung bibilangin natin nang mabuti ang mga araw sa isang buwan, ganito ang mangyayari:

  • March 19 hanggang 31 = 12 days
  • April = 30 days
  • May = 31 days
  • June = 30 days
  • July = 31 days
  • Aug = 31 days
  • Sept = 30 days
  • Oct = 31 days
  • Nov = 30 days
  • December 24 ang magiging due date 
>>>> (12 + 30 + 31 + 30 + 31 + 31 + 30 + 31 + 30 + 24 = 280 days)

Pero dahil mas madaling tandaan at gamitin ang Naegele's rule at dahil ito ay estimated due date o tinansyang petsa lang ng panganganak at hindi naman kinakailangang eksakto talaga, maraming gumagamit ng formula na'to.

Kung ikaw ay buntis ngayon at gusto mo malaman ang EDD mo based sa eksaktong 280 days, maaari mong gamiting ang Due Date Calculation chart sa ibaba galing sa website ng John Hopkins Medicine:

Ngayon na alam mo na kung kailan ka maaaring manganak,ang sumunod na tanong ay kung ilang weeks na ba si baby? Mahalaga itong malaman para masubaybayan mo ang development ng baby mo. Magagamit mo din ito para malaman mo kung kailan mo pwedeng:

  • marinig ang heartbeat ni baby
  • maramdaman ang paggalaw ni baby
  • malaman ang gender ni baby sa ultrasound,at iba pa. 

So paano nga ba ito i- compute kung wala kang pregnancy app o pregnancy calendar generator ? Ganito...

Halimbawa, ang LMP mo ay March 19, 2021.  

  • Step 1: Ibawas mo ang petsa ng LMP mo sa petsa ngayong araw.
     Today -- LMP  (December 15, 2021 Minus March 19, 2021)

    12 (Dec) - 15   >>> 11 - 45 (inilipat ko yung isang buwan o 30 days sa 15 kaya naging 45)

--   3 (Mar)-  19   >>>    3 - 19 

   -------------

     8 months - 26 na araw. 

  • Step 2: I-multiply ang months sa 30 at i-add ang bilang ng araw.

     8 x 30 = 240 + 26  = 266 days

  • Step 3: Magdagdag ng bilang ng araw para sa mga buwan na may 31 days. 

Mula sa buwan ng LMP hanggang sa nakaraang buwan (hindi kasama ang buwan ngayon o December), bilangin kung ilang buwan ang may 31 days - March, May, July, Aug, October = 5 buwan. Dahil dito, dadagdagan natin ang 266 days kanina ng 5 days. Magiging 271 days.

  • Step 4: Idivide sa 7 ang nakuhang bilang.

   >>>  271 ÷ 7 = 38 weeks at 5 days ka na ngayon.

Dahil  medyo mabusisi ang pag compute sa eksaktong weeks at days ni baby, pwede kang magsearch na lang online ng pregnancy calendar o pregnancy app para maging tracker mo. 

Tandaan: Ang mga computation na ginamit natin ay pwede mo lang gamitin kung REGULAR ang menstrual cycle mo at siguradong sigurado ka sa petsa ng LMP o unang araw ng huling buwanang dalaw mo. Kung hindi, karaniwang ang resulta ng pinakaunang ultrasound mo ang magiging basehan ng EDD o estimated due date mo. Tandaan rin na ang EDD ay isang ESTIMATE lamang. Walang kasiguraduhan na manganganak ka sa eksaktong due date mo. Pwedeng lumabas si baby sa loob ng isa o dalawang linggo BAGO o PAGKATAPOS ng EDD mo.



Mga Komento