Dalawa ang Lines pero MALABO ANG ISANG LINE na lumabas sa Pregnancy Test. Positive ba yun?
Ano ba ang ibig sabihin kung positive na two lines ang lumabas na result ng home pregnancy test mo pero faint o malabo ang isang line? Positive na ba yun? Negative ba? or Invalid?
Kung tama po ang pag-administer niyo ng test at binasa niyo po ang resulta within 3 to 5 minutes pagkatapos niyo pong maglagay ng sample urine niyo sa testing kit, POSITIVE po yun. Faint o malabo lang po ang line dahil maaaring nasa early stages pa po ang pagbubuntis niyo at mababa pa po ang HCG levels niyo sa katawan. Maigi po na mag-PT po kayo ulit pagkalipas ng ilang araw o isang linggo para makakuha ng mas malinaw na resulta.
Kung lumipas na po ang 5 minutes o higit pa bago niyo binasa ang resulta o bago lumabas ang malabong line sa pregnancy test, maaaring NEGATIVE talaga ang result. Pwedeng ang faint o malabong line na lumabas ay EVAPORATION LINE lamang. Nagkakaroon po minsan ng evaporation line kapag natuyo o nag-evaporate na ang sample urine mo sa testing kit. Kung lumagpas na po sa recommended time frame ang pagbabasa niyo ng results, considered na pong invalid yun. Mas mainam po na ulitin niyo ang test sa panibagong kit.
Kung positive po ang result sa home pregnancy test, kumunsulta po kayo sa isang doktor o midwife para magabayan po nila kayong mabuti sa inyong pagbubuntis.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento