Kailan ba dapat gumamit ng Home Pregnancy Test kit?

Pwede na ba ako mag Pregnancy Test?  Delayed po ako. Pwede na ba akong gumamit ng PT kit? Kailan ba dapat gumamit ng pregnancy test kit?


Kung delayed na ng isang linggo o higit pa ang inaasahan mong simula ng buwanang dalaw o menstruation mo, pwede ka nang gumamit ng PT o home pregnancy test kit.

Pero bakit kailangan pa nating hintayin ang one week? Ito ay dahil sa posibleng mababa pa ang HCG levels ng katawan mo kung wala pang isang linggong delayed ang buwanang dalaw mo. Kung masyadong mababa pa ang HCG levels mo, may mga home pregnancy test kits na posibleng hindi pa agad madedetect ang HCG sa urine mo. Kung hindi madedetect ng pregnancy test kit ang HCG, magiging negative ang resulta ng test kahit buntis ka na.

Ang HCG o human chorionic gonadotropin ay ang hormone na nanggagaling sa mga cells na magiging placenta ni baby. Tinatawag din itong pregnancy hormone. Para hindi masayang ang pag-p-PT mo, mas maigi na maghintay ng at least 1 week delayed ang inaasahan mong menstruation bago magpregnancy test.


Mga Komento