Negative ang Result sa Home Pregnancy Test, Sure na ba yun?

Negative ang Result sa Home Pregnancy Test, Sure na ba yun? May chance ba na mali lang yung result?

Anong gagawin mo kung delayed ang buwanang dalaw mo pero NEGATIVE ang result na nakuha mo nang sinubukan mong gumamit ng home pregnancy test kit? Syempre, magtataka ka. Lalo na kung meron kang nararamdamang mga sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagkahilo, pagduduwal, palagiang pag-ihi, pagod, at iba pa. Dapat ka bang magpanic? Hindi po. Pwede kasing makakuha ka ng negative result sa home pregnancy test kahit buntis ka na. 



Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga dahilan kung bakit minsan ay nagkakaroon tayo ng FALSE NEGATIVE pregnancy test results.
  • Una, masyado pang maaga para mag home pregnancy test ka. Mas maigi kasi kung 1 linggo o higit ka nang delayed sa buwanang dalaw mo bago ka mag PT. Bakit? Dahil kapag masyado pang maaga, mababa pa ang level ng HCG o pregnancy hormone sa katawan at sa urine mo. Maaaring hindi pa ito madetect ng mga home pregnancy test kits.
  • Pangalawa, maaaring mali ang pagsasagawa mo ng test o pagbabasa ng resulta nito. Tama ba ang pagkuha mo ng sample urine? Tama ba ang paglalagay mo ng sample sa testing kit? Pinakaunang ihi ba sa umaga ang ginamit mo para sa test? Tama ba ang paraan mo ng pagbabasa sa resulta ng test? Kung kailangan niyo po ng guide sa tamang paraan ng paggamit ng home pregnancy test kit, eto po : PAANO BA ANG TAMANG PARAAN NG PAGGAMIT SA HOME PREGNANCY TEST KIT?
  • Pangatlo, maaaring sira o expired na ang Home Pregnancy Test kit na nagamit mo.
Kung hindi ka kampante sa naging resulta ng home pregnancy test mo, pwede mo itong ulitin gamit ang bagong kit. 

Maaari din pong negative talaga at hindi ka talaga nagdadalang-tao. Maaaring delayed ka lang dahil sa hormonal imbalance, stress, sa contraceptive na ginagamit mo, at iba pang dahilan. Maigi pong sumangguni sa isang doktor or health care professional kung delayed ka at paulit-ulit na negative pa rin ang result ng home pregnancy test kits mo.



Mga Komento