Buntis ba ako? Ano ano ba ang mga signs na buntis ang isang babae?


Kung delayed po ang expected niyo na buwanang dalaw o menstruation, malaki po ang chance na buntis kayo. Ano-ano ba ang signs na buntis ang isang babae?

  • Delayed ka (Missed Period). Kung regular ang menstrual cycle mo at delayed ka na ng ilang days, malaki ang chance na buntis ka. 
  • Naduduwal ka  at nahihilo (Nausea or Morning sickness). Pwedeng naduduwal ka lang na may kasamang pagsusuka o nahihilo at naduduwal ka lang pero hindi ka naman nagsusuka nang tuluyan.
  • Ihi ka nang ihi (Frequent Urination)
  • Pagod (Fatigue). Kapag buntis ka, kadalasan, parang mas madali kang mapagod o minsan, paggising mo pa lang, pakiramdam mo, pagod na agad yung katawan mo at gusto mo na lang matulog nang matulog.
Pwede ka ring makaranas ng moodiness, bloating, light spotting, cramping, constipation, at swollen breasts.

Yan po ay ilan lang sa mga pwedeng maramdaman ng isang babae kapag nagdadalang-tao o buntis. Hindi po kailangan na lahat ng sintomas na yan ay meron kayo. Pwedeng iilan lang ang maexperience niyo. Iba-iba po yan sa bawat babae at iba-iba rin po sa bawat pagbubuntis. 

Pwedeng mas maraming sintomas na maranasan ang ibang buntis kaysa sayo o mas marami naman ang maranasan mo kaysa sa iba. Pwede ring mas marami kang maramdamang sintomas sa una mong pagbubuntis kaysa sa pangalawa or vice-versa. 

So paano natin masisigurado na buntis tayo? 

Tandaan din po natin na ang pagkakaroon ng mga nabanggit na signs ay HINDI nangangahulugan na 100% sure na buntis po ang isang babae. Upang makasigurado, dapat pong magpregnancy test o kaya ay kumunsulta sa isang midwife o doktor. 



Mga Komento