Paano ba ang tamang paggamit ng Home Pregnancy Test Kit ?

Paano ba gamitin ang Home Pregnancy Test?

Paano ba ang tamang paggamit ng home pregnancy test kit (PT) ?


Dahil may iba't ibang klase ng home pregnancy test kit, may pagkakaiba rin po sa paraan ng paggamit at pagbabasa ng results sa bawat isa sa kanila.

Mayroon pong instructions o guide sa loob ng pack or sa mismong karton o wrapper ng PT kit. Maiigi po na basahin ito nang mabuti para hindi po tayo magkamali sa pag-administer natin ng test at sa pagbabasa ng resulta.

Paalala lang po: Mas mainam din po na gamitin niyo ang PT kit kapag isang linggo na pong delayed ang buwanang dalaw niyo o higit pa. Kapag masyado pa po kasing maaga, pwedeng hindi pa masyadong mataas ang HCG levels sa ihi niyo kaya hindi rin po ito madedetect ng pregnancy test kit. Kung ganoon po ang mangyayari, magiging negative po ang resulta ng test kahit buntis na po kayo.

Sa paggamit po ng home pregnancy test kit, kadalasan po ay kailangan niyong kumuha ng konting sample ng pinakaunang ihi niyo sa umaga gamit ang maliit na plastic o styro cup.

Kung testing stick po ang nabili niyo, ididip niyo lang po ang dulo ng stick sa cup. May arrows o lines po yan as guide.

Meron din pong PT kits na may kasamang dropper. Kapag ganun, kukuha po kayo ng konting ihi niyo doon sa cup gamit yung dropper at papatakan niyo ng 2-3 drops ng ihi yung sample well ng testing kit.

Iba-iba rin po ang paraan ng pagbabasa ng test results ng mga PT kits. Basahin niyo pong mabuti yung instructions sa nabili niyong pregnancy test kit para malaman niyo rin po kung paano uunawain ang resulta.

May mga PT kits po na kapag negative o hindi buntis, walang lalabas sa result window. Kapag positive o buntis naman, isang guhit lang.

Meron din pong mga PT na kapag negative, one line lang. Kapag positive, two lines. 

Meron din pong mga PT na positive o plus sign po mismo ang lumalabas.

Para malaman ang resulta ng test, wag niyo po basahin agad-agad at wag niyo rin pong patagalin ang pagbabasa ng results. Mga 3-5 minutes lang po pagkatapos niyong i-dip o patakan, tingnan niyo na po ang resulta. Kung hindi po kayo kampante sa naging resulta, pwede niyo pong ulitin sa bagong kit. 

Pwede rin pong ibang pregnancy test ang gamitin niyo – hindi na yung kits. Pwede po kayong kumonsulta sa doktor at magpa-blood test or ultrasound para maconfirm po yung pagbubuntis niyo at ma-check ang lagay ni baby.

Mga Komento