Ano ba ang Home Pregnancy Test?

Kung may nangyari sa inyo ng asawa o partner mo, delayed ang buwanang dalaw mo, at may nararanasan kang mga sintomas ng pagbubuntis gaya ng pagkahilo, pagduduwal, palagiang pag-ihi, pagod, at iba pa, pwede kang gumamit ng mga home pregnancy test kits para malaman kung buntis ka nga. 

Paano ba gumagana ang home pregnancy test kits?

Kapag gumagamit tayo ng home pregnancy test kits, tinitsek nito ang HCG levels sa ihi o urine natin. Ang HCG o human chorionic gonadotropin ay ang hormone na nanggagaling sa mga cells na magiging placenta ng baby. Tinatawag din itong pregnancy hormone.

Kung balak niyong gumamit ng home pregnancy test kit, tandaan na hindi ito dapat gamitin kung masyadong maaga pa. Ibig sabihin, hindi ka dapat magtest kung hindi pa lumilipas ang isang linggo simula nung nadelay ang buwanang dalaw o menstruation mo. Bakit? dahil maaaring mababa pa ang levels ng HCG sa katawan mo at hindi pa ito madetect ng home pregnancy test kit.

Bago ka gumamit ng home pregnancy test kit, tandaan din na mahalagang basahin munang mabuti ang mga instructions sa tamang paraan ng pagsasagawa ng test at pagbabasa ng resulta nito. Icheck din kung hindi pa expired ang PT kit na nabili mo.


Mga Komento