Usapang Ultrasound : Ano ba ang NORMAL na BPD, HC, AC, FL at EFW ni baby by week? (INTERNATIONAL FETAL GROWTH STANDARDS)
Nagpaultrasound ka at curious ka kung normal ba ang mga sukat ni baby na nakita mo sa Ultrasound Report. Ang tanong:Ano ba ang NORMAL na BPD, HC, AC, FL at EFW ni baby by week based sa International Fetal Growth Standards?
Bago ko po ipakita ang mga chart, tandaan po natin na ang mga sukat na nakukuha sa ultrasound ay ESTIMATED lang o tinantsa lang, hindi po ito eksakto. Ang mga sukat po na nasa International Fetal Growth ay base sa Arithmetic Mean o Average ng mga Ultrasound Results ng halos 5,000 na nanay na kasali sa research na ginawa sa labingwalong mga bansa sa iba't ibang panig ng mundo.
NORMAL lang po kung may mga sukat na nakalagay sa Ultrasound Report niyo na hindi sasakto sa mga sukat na nasa Fetal Growth Standards dahil pareho po silang estimated lang. Kung may kaunting pagkakaiba po sa mga sukat sa results niyo at sa sukat na nasa sa Fetal Growth Standards, o kung one-week difference lang po ang mayroon, hindi niyo po kailangang mag-alala. Kung malaki naman po ang pagkakaiba ng mga sukat ni baby sa sukat na nakasaad sa Fetal Growth Standards, mainam po na sumangguni kay OB o midwife para makapag-request sila ng iba pang mga tests upang makumpirma kung normal ba ang paglaki ni baby sa sinapupunan.
NORMAL na BPD, HC, AC, FL at EFW ni Baby BY WEEK
(Based on International Fetal Growth Standards, INTERGROWTH-21st from https://intergrowth21.tghn.org/fetal-growth/)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento