Usapang Ultrasound Results: Ano ba ang ibig sabihin ng Normohydramnios ? Polyhydramnios ? Oligohydramnios ?
Sa ating pagbubuntis, napakahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami ng amniotic fluid o panubigan sa bahay-bata. Bakit? Dahil kailangan ang fluid na ito para sa mga sumusunod:
- Para maprotektahan si baby laban sa mga impeksyon at injuries,
- Para maiwasang maipit ang umbilical cord kung saan dumadaloy ang dugo at sustansya para kay baby,
- At para maging maayos ang pag develop ng iba't ibang bahagi ng katawan ni baby, lalo na ang kanyang lungs.
Kapag KULANG o LABIS ang panubigan mo, dapat kang sumangguni agad sa iyong doctor o midwife. Karaniwang may ipapagawang dagdag na mga tests sayo para malaman nila ang dahilan ng kondisyon mo at para mamonitor din nila ang maaaring maging epeko nito sa iyong pagbubuntis at kay baby. Kapag panubigan mo ay kulang o labis, hindi naman ibig sabihin nito ay delikado na agad ang pagbubuntis mo o makukunan ka na, lalo na kung maaga itong madedetect. Kadalasan, maaari itong imanage sa tulong ng mga gamot, bed rest, pagcontrol ng blood sugar, pagdagdag o pagbawas ng panubigan at iba pa.
Kung ikaw ay OLIGOHYDRAMNIOS, maaaring naglileak ang panubigan mo, may congenital anomaly si baby, hindi maayos ang daloy ng dugo kay baby dahil may Hypertension, Diabetes, o ibang sakit ka, may nainom kang gamot ba bawal sa mga buntis, o iba pang dahilan. Kung ikaw naman ay POLYHYDRAMNIOS, maaaring ito ay dahil merong kang Diabetes, may congenital anomaly si baby, higit sa isa ang ipinagbubuntis mo, may impeksyon si baby, may sakit si baby sa puso o iba pa. Mahalagang sumangguni sa doktor o midwife para maagapan kung ano man ang kondisyon ng pagbubuntis mo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento