Usapang Ultrasound Results: Ano ba ang ibig sabihin ng CEPHALIC, BREECH, at TRANSVERSE presentations?

Kapag magpapa- ultrasound ka, isa sa mga titingnan ng sonographer ay ang fetal presentation o ang pagkakapwesto at posisyon ni baby sa sinapupunan mo. Ang tanong, ano ba ang ibig sabihin ng Cephalic Presentation ? Breech Presentation ? at Transverse Presentation ?


Mahalagang malaman ang fetal presentation ni baby, lalong-lalo na kung malapit ka nang manganak. Ang fetal presentation o ang pagkakapwesto at posisyon ni baby sa loob ng sinapupunan mo ay isa sa mga pangunahing basehan ng doktor o midwife sa pagrerekomenda ng normal delivery o cesarean section delivery.

So, ano nga ba ang ibig sabihin ng bawat uri ng fetal presentation?

CEPHALIC presentation ang tawag kung ang posisyon po ni baby ay patayo, nasa ilalim ng ribs niyo ang kanyang pwet at mga paa, at ang ulo ni baby ay nasa bandang puson niyo po. Sa ganitong posisyon, unang lalabas ang ulo ni baby kapag manganganak na po kayo. Ito po ang normal at ideal na posisyon ng baby kung balak niyo pong mag normal o vaginal delivery.

BREECH presentation po ang kabaliktaran ng Cephalic. Ito po yung tinatawag nilang SUHI. Ibig sabihin, ang paa o pwet po ni baby ang nasa may puson nyo at ang ulo po ni baby ang nasa bandang taas. Karaniwang inirerekomenda po ang Cesarean Section delivery kapag ito po ang nakitang posisyon ng inyong baby bago kayo manganak. 

TRANSVERSE presentation po kapag PAHALANG po ang posisyon ni baby. Kagaya ng BREECH position, karaniwang inirerekomenda rin po ang Cesarean Secton delivery kapag ito po ang nakitang posisyon ng inyong baby bago kayo manganak.

Kung sakaling makita niyo po sa ultrasound result niyo na BREECH o TRANSVERSE po ang presentation ni baby, tandaan na MAY MALAKING CHANCE pa pong UMIKOT si baby at maging CEPHALIC ang presentation kung hindi pa po siya masyadong malaki sa sinapupunan niyo - o kung wala pa po siyang 36 weeks. Kaya kung hindi niyo pa po kabuwanan, wag po kayong mag-alala kung hindi pa po Cephalic ang presentation ni baby. 


 


Mga Komento