Usapang Ultrasound Results: Ano ba ang ibig sabihin ng ‘Placenta is Posterior’ , ‘Placenta is Anterior’ , at Placenta Previa ?

Ano ba ang ibig sabihin kapag sinabing Placenta is Posterior ? Paano naman kung Placenta is Anterior ? Ano naman ang Placenta Previa ? 

Kasamang tinitingnan sa ultrasound test ng isang buntis ang lagay at pwesto ng placenta. Sa placenta o inunan nagkakaroon ng sirkulasyon ng dugo para kay baby sa sinapupunan. Dito dumadaan ang mga sustansiya at oxygen na galing sa nanay patungo kay baby. 

Kapag sinabing the PLACENTA is POSTERIOR, ibig sabihin nasa likuran ng uetrus mo ang inunan.  Dahil dito, mas madali mong mararamdaman ang paggalaw ni baby kumpara sa mga may placenta na anterior. Mas madali ding madedetect ang heartbeat ni baby. 

Kapag sinabing the PLACENTA is ANTERIOR, ibig sabihin nasa harapan ng tyan mo ang inunan. Dahil dito, maaaring hindi mo masyadong maramdaman ang paggalaw ni baby kapag maliit pa siya.

Kadalasan, hindi gaanong nakakaapekto ang posisyon ng placenta sa iyong pagbubuntis, sa kalusugan ni baby sa iyong sinapupunan, at sa iyong panganganak kung HIGH LYING ito o kung mataas ang inunan. Nagiging high risk o delikado lamang ang pagbubuntis kung mayroon kang PLACENTA PREVIA. Kapag may placenta previa, ibig sabihin LOW LYING o mababa ang inunan mo at maaaring natatakpan nito nang bahagya o ganap ang cervix mo o ang dadaanan ni baby palabas kapag ikaw ay manganganak na. Kung may placenta previa, malaki ang chance na duguin ka habang nagbubuntis o nanganganak. Inirerekomenda rin ang Cesarean Section delivery kapag mayroong ganitong kalagayan.


 

Mga Komento