Usapang Ultrasound Results: Ano ba ang ibig sabihin ng BPD ? HC ? AC ? FL ? EFW ? Cardiac Pulsation?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Ultrasound Results mo? Ano ba ang ibig sabihin ng BPD ? HC ? AC ? FL ? EFW ? at Cardiac Pulsation ?


Kapag tayo ay nagpaultrasound, tinitingnan ng sonologist kung maayos ba ang development o paglaki ni baby sa pamamagitan ng pagsukat sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Kasama sa mga sinusukat ang BPD (biparietal diameter) o diameter ng ulo ni baby, HC (head circumference) o distansya sa paligid ng ulo ni baby, AC (abdominal circumference) o distansiya sa paligid ng tiyan ni baby, at FL (femur length) o haba ng buto sa hita ni baby. Ang mga ito naman ang nagiging mga basehan para malaman ang EFW (Estimated Fetal Weight) o ang tinatayang timbang ni baby sa sinapupunan mo. Ang EFW naman at iba pang mga sukat sa mga bahagi ng katawan ni baby ang nagiging basehan para malaman ang EDD (Estimated Due Date) o ang petsa kung kailan ka posibleng manganganak. 

Ano ang ibig sabihin ng CEPHALIC, BREECH, at TRANSVERSE PRESENTATION ?


Ang Cardiac Pulsation naman ay ang bilang ng heart beat ni baby bawat minuto. Halimbawa, sa ultrasound results na nasa imahe sa baba, sinasabing may 157 beats per minute si baby. Ang normal na average ng heart rate ni baby ay nasa pagitan ng 110 hanggang 170 beats per minute. 

Nakasulat din sa results sa baba na ADEQUATE o SAPAT ang amniotic fluid o panubigan ni baby. Kapag sinabi naman na Placenta is Anterior and High Lying, ibig sabihin ay nasa harapan ng tyan mo ang inunan at MATAAS ito.  

Mga Komento