SUHI o BREECH presentation po si baby. May chance pa bang umikot at maging CEPHALIC si baby? Ano - ano ang pwede kong gawin para umikot si baby ?

Nagpaultrasound ka at nalaman mo na BREECH presentation o SUHI ang pwesto ni baby. Dapat ka bang mag-alala ? May chance pa ba na umikot si baby at maging CEPHALIC ? Dapat bang magpaschedule ka na ng Cesarean delivery ? Ano ba ang mga pwede mong gawin para umikot si baby?


Kapag SUHI o BREECH presentation ang baby mo sa sinapupunan, ibig sabihin ang paa o pwet po ni baby ang nasa may puson mo at ang ulo ni baby ang nasa bandang taas, sa ilalim ng dibdib mo. Kapag SUHI o BREECH presentation si baby AT MANGANGANAK ka na, madalas ay irerekomenda ng doktor o midwife ang CESAREAN SECTION delivery. Ibig sabihin, ikaw ay dadaan sa isang surgical procedure kung saan hihiwaan ang iyong tiyan at matres para doon ilabas si baby. Dahil di hamak na mas mahal ang CS delivery, matagal ang recovery period, at maraming risks ang involved sa isang surgical procedure, kadalasan ay iniiwasan ng maraming buntis na manganak sa ganitong paraan. 

Kung nalaman mo na SUHI o BREECH presentation si baby at ayaw mong manganak via Cesarean Section delivery, MAY CHANCE PA NA UMIKOT SI BABY HANGGANG sa 36th week ng pagbubuntis mo, minsan higit pa - lalo na kung hindi gaanong kalakihan si baby at kung marami pa ang amniotic fluid mo o panubigan.

MGA PWEDE MONG GAWIN PARA UMIKOT SI BABY
  • Magpa- ECV o  External Cephalic Version (ECV) : Susubukan ng mga doktor mo na ikutin si baby habang nasa sinapupunan mo siya. Itutulak nila at gagabayan si baby sa pag-ikot sa tiyan mo para maging CEPHALIC ang posisyon.
  • Breech tilt o pelvic tilt : Para magawa mo ito, kailangan mong humiga sa sahig at itaas ng iyong balakang at hita, at paa. Pwede mong ipatong ang balakang mo sa mga unan, exercise ball, o sa plantsahan (kabayo ng plantsa). Pwede mong gawin ang exercise na ito sa loob ng 5 to 20 minutes, 3 beses sa isang araw. Mainam na gawin ito kapag active o galaw nang galaw si baby. Maging maingat sa paggawa ng exercise na ito at wag pilitin ang sarili kung masyado kang nahihirapan, o kung may signs ka ng preterm labor. 
photo from Facebook

  • Matulog na nakahiga nang patagilid at may unan sa pagitan ng iyong mga paa. Sa ganitong posisyon, mas makakagalaw si baby sa loob ng iyong sinapupunan at mas malaki ang chance na makaikot siya at maging cephalic.
  • Gumamit ng tugtog at ilaw. Pwede kang magpailaw ng flashlight o magpatugtog ng nakakarelax na music, gumamit ng headphones at itapat ito sa puson mo para sundan ni baby sa kanyang pag-ikot. 
  • Gumamit ng mga warm at cold compress. Pwede kang maglagay ng warm compress sa bandang puson mo at cold compress naman sa taas, sa ilalim ng dibdib mo para ma-encourage mo si baby na magbago ng posisyon.

Mga Komento