Usapang Ultrasound: Bakit 6 WEEKS Sa Ultrasound pero 4 WEEKS pa lang mula nung may nangyari?
Apat na linggo pa lang simula noong may mangyari sa inyo ng partner mo. Ngayon, delayed ka kaya nag-pregnancy test ka at nalaman mong POSITIVE nga. Dahil excited kayo, nagpacheckup kayo agad at nagpaultrasound. Ang nakakagulat, nakasulat sa ultrasound results mo na 6 WEEKS na ang AOG ni baby. Bakit ganun? Paano naging 6 weeks na kung 4 weeks pa lang simula nang may mangyari?
Salungat sa inaakala ng marami, hindi ang date ng pangyayari ang itinuturing na Day 1 ng pregnancy kapag sinusukat ang AOG o Age of Gestation ni baby. HINDI ibig sabihin na kapag inultrasound ka ngayon at nakalagay na 6 weeks pregnant ka ay anim na linggo na ang nakalipas mula nung may nangyari sa inyo o mula nung nabuo si baby. MALI PO.
Hindi binibilang ang AOG mula sa mismong araw na may nangyari o mula sa mismong araw kung kailan nabuo si baby. Binibilang ang AOG mula sa unang araw ng huling regla mo o LMP (Last Menstrual Period). Nag-iiba rin ito depende sa kung REGULAR na 28-days ang menstrual cycle mo o hindi. Nagsisimula ang AOG ni baby, TWO WEEKS bago pa siya mabuo.
Bakit mas maaga ang bilang kaysa sa actual na pagkabuo ni baby? Kasi sa totoo lang, mahirap na tukuyin ang actual date ng pagkabuo ni baby. Kaya sa medisina, ang pagbibilang ng araw ng pagbubuntis ay nagsisimula sa estimated na unang araw ng huling menstruation o 2 weeks bago pa mabuo si baby.
Kahit sa ultrasound, ine-evaluate ng machine ang fetal biometry o sukat ni baby based sa inaasahan o EXPECTED na mga sukat batay sa isang fetal growth standard na may 40-week pregnancy cycle. AT, ang pregnancy cycle na ito ay nagsisimula pa rin sa estimated na first day ng last menstrual period. Kahit saang modern pregnancy timeline ka pa tumingin, ang average na date ng conception ay nasa DAY 14 na ng pregnancy, hindi DAY 1.
Halimbawa, nagpaultrasound ka ng August 12 at lumabas ay 6 weeks AOG na. Ibig sabihin:
LMP o DAY 1 ng 'Pregnancy': July 1
*estimate lang ito at pwedeng hindi tugma sa actual na LMP mo kung IRREGULAR ang menstrual cycle o hindi laging 28 days ang cycle mo.
DATE of CONCEPTION: Anytime from July 13, 2025 to Jul 17, 2025 *Kung kailan NABUO si babyDATE of INTERCOURSE: Anytime from July 8, 2025 - Jul 17, 2025 *Kung kailan may nangyari kaya nabuo si baby.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento