ANIM na Dahilan Kung Bakit WORTH IT ang SAKIT ng NORMAL DELIVERY! Bakit Gusto ng Marami ang Normal Delivery?
Puro ungol, iyak, sigaw at pagmumura. Yan ang kadalasang naririnig at nakikita natin sa mga nanganganak via normal delivery sa mga palabas sa TV at iba pa. Kapag buntis ka at pinanood mo ang scene kung saan may nanganganak sa mga pelikula at palabas sa TV o online, talaga namang kakabahan ka dahil halatang hirap na hirap at sobrang sakit ang nararamdaman ng mga nanay sa palabas. Malamang, marami ka na ring narinig na horror stories tungkol sa panganganak via normal delivery. Ang tanong, bakit marami pa rin ang may gusto ng normal delivery kaysa sa cesarean section delivery? Worth it ba ang sakit na kasama ng normal vaginal delivery?
Ang vaginal delivery ang pinakakaraniwang paraan ng panganganak. Sa ganitong paraan ng panganganak, magkakaroon ka ng uterine contractions o magkocontract ang matris mo upang bumuka ang sipit-sipitan o cervix at maitulak ang sanggol pababa at palabas ng birth canal (uterus, cervix, vagina). Marami itong mga benepisyo para kina baby at mommy kaya naman mas gusto ng karamihan ang normal delivery. IEto ang lan sa mga benepisyong ito ang mga sumusunod:
Ang vaginal delivery ang pinakakaraniwang paraan ng panganganak. Sa ganitong paraan ng panganganak, magkakaroon ka ng uterine contractions o magkocontract ang matris mo upang bumuka ang sipit-sipitan o cervix at maitulak ang sanggol pababa at palabas ng birth canal (uterus, cervix, vagina). Marami itong mga benepisyo para kina baby at mommy kaya naman mas gusto ng karamihan ang normal delivery. IEto ang lan sa mga benepisyong ito ang mga sumusunod:
- Una, ito ang NATURAL na paraan ng panganganak at PINAKALIGTAS, lalo na ang spontaneous vaginal delivery o yung delivery na hindi induced ang labor at kusang nagsimula sa pagitan ng 37th hanggang 42nd week ng pagbubuntis.
- Pangalawa, mas mabilis na recovery ng mga nanay na nanganak via vaginal delivery kaysa sa mga na-CS. Dahil walang surgical procedure o pag-oopera na ginawa, karaniwang mas konti ang risks na magkaroon ng kumplikasyon at mas mabilis na nakakarecover ang mga nanay na nag-normal delivery kumpara sa mga na-Cesarean section delivery. Kung walang naging komplikasyon sa kanilang panganganak at walang naging problema sa post-partum care nila, kadalasang nakakarecover na agad ang mga nanay na nagnormal delivery sa loob ng isa hanggang tatlong linggo. Vaginal birth vs. C-Section: Pros & cons | Live Science
- Pangatlo, mas maiksi rin ang hospital stay ng mga nagnormal delivery kumpara sa mga nag-cesarean delivery. Ang ilan sa mga nanganak sa pamamagitan ng vaginal delivery ay napapauwi na ng kanilang mga midwife o doktor, 24 hours after ng kanilang panganganak.
- Pang-apat, kadalasang mas maagang nagsisimula ang lactation ng mga nagnormal delivery kaysa sa mga na-CS. Dahil dito, mas malaki ang chance na ma-breastfeed si baby. Tumataas ang chance na magtagumpay sa breastfeeding si mommy kung magkakaroon ng agarang skin-to-skin contact sina mommy at baby sa unang oras pagkatapos manganak. At, kapag nabreastfeed si baby, alam naman natin na mas magiging healthy at matalino siya. Umaapaw ang gatas ng ina sa mga kinakailangang sustansya para sa paglaki ng sanggol at nagbibigay ito ng proteksyon sa iba't ibang sakit. Bukod pa rito, napatunayan sa isang pag-aaral na ibinalita sa Yale School of Medicine na ang pagbebreastfeed ay nakakapagpataas ng brain growth ni baby ng 20 to 30 percent. (Researchers Identify Sugar Molecule in Breast Milk That Boosts Infant Brain Development < Yale School of Medicine)
- Panglima, ayon sa isang pag-aaral ng mga UK Scientists na inilabas sa journal na Nature at naireport sa isang BBC article Vaginal birth and Caesarean: Differences in babies' bacteria (bbc.com), mas mataas ang risk na magkaroon ng Type 1 Diabetes, allergies, asthma, at iba pang respiratory problems ang mga batang ipinanganak via CS delivery kumpara sa mga batang ipinanganak via vaginal delivery. Ito ay dahil sa may ilang mga normal na gut bacteriang hindi nakukuha ng mga CS delivered babies dahil hindi sila dumaan sa birth canal noong ipinanganak sila. Ayon sa pag-aaral ng Weill Cornell Medicine Gut Bacteria Make Neurotransmitters to Shape the Newborn Immune System | Newsroom | Weill Cornell Medicine, ang mga unique gut bacteria na ito ay kinakailangan para sa maayos na pagdevelop ng ating immune system.
- Pang-anim, mas mura ang babayaran sa ospital para sa normal delivery kumpara sa cesarean delivery. Ayon sa isang EdaMama.ph article, nasa 15,000 hanggang 20,000 pesos ang karaniwang halaga ng normal delivery sa isang public hospital habang nasa 40,000 hanggang 18,000 pesos naman para sa mga private hospitals. Mas mura itong di hamak kumpara sa cesarean section delivery na nagkakahalaga ng 25,000 hanggang 30,000 pesos sa public hospitals at 60,000 hanggang 300,000 pesos naman para sa private hospitals. Mayroon ding mga lying-in clinics kung saan pwedeng manganak via normal delivery sa halagang 4,000 hanggang 25,000 pesos, depende kung public o private ito. (Cost of Giving Birth in the Philippines (edamama.ph) ) Nga po pala, ang mga presyong binibanggit ko dito ay ang standard na binabayaran sa mga ospital at clinics - pero pwede pong mabawasan yan kung mayroon kayong Philhealth o healthcard, o kung mabibigyan kayo ng financial assistance ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, at ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.
In summary po, gusto ng marami ang manganak via NORMAL delivery at worth it ang sakit na kasama nito dahil ang normal o vaginal delivery ay NATURAL, mas SAFE, mas konti ang risks, mas maraming HEALTH BENEFITS kay baby dahil sa gut bacteria at breastfeeding, mas magiging mabilis ang hospital stay at recovery kay mommy, at mas mura ang magiging hospital expenses kaysa sa kapag panganganak via Cesarean Section Delivery.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento