Usapang Panganganak : Mga Dapat Dalhin sa Ospital / Lying-in Kapag Manganganak ka na

Kailan ka manganganak ? Malapit na ba? Kung oo, dapat nakahanda na ang hospital bag mo. Ano ano ba ang kailangan mong dalhin sa ospital o lying in kapag manganganak ka na?

Kadalasan, nagbibigay ang mga doktor at midwife ng To-Bring List. Doon nakasulat kung ano ano ang mga kailangan mong dalhin sa ospital o lying in kapag manganganak ka na. Kahit saang healthcare facility ka pa manganganak, halos pare-parehas lang ang kailangan mong dalhin. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

PARA KAY BABY :

  1. Mga damit ni baby - Kasama dito ang mga BARU-BARUAN o yung tie-side shirts na long sleeves, short sleeves, at sleeveless, pajama, bonnet, mittens, at socks. Magdala ng dalawa o tatlong set ng pamalit ni baby kung sa lying-in ka manganganak o kung sa palagay mo, 1-2 days lang kayo magtatagal sa ospital. Kung hindi, magdala ng higit sa 3 set.
  2. Pranela o Receiving Blanket o Swaddle - At least tatlong kumot ang dapat mong dalhin - isa para pambalot kay baby, isa para ipangsapin sa hihigaan ni baby, at isa pang reserbang kumot na gagamitin kung madudumihan ang naunang pambalot kay baby. Mas maganda kung hooded blanket ang unang ipambabalot mo kay baby.
  3. Newborn o Small size Disposable Diaper - Magdala ka na ng isang pack o at least 10 pieces.
  4. Lampin - Karaniwang ginagamit ito ng midwife na pamunas kay baby pagkalabas niya. Pwede mo rin itong gamitin bilang burp cloth, towel, at iba pa.  

IBA PANG DAPAT DALHIN :

  1. Baby Oil + Baby Soap/ Wash / Shampoo
  2. Isoprophyl Alcohol 70%
  3. Cotton balls
  4. Cotton buds
  5. Baby Wipes
  6. PARA SA NANAY :  Sanitex, Underpads, Adult Diaper, Damit ni Mommy
  7. DOCUMENTS :  Prenatal Records , Healthplan Records (Gaya ng Philhealth ID at MDR), Valid ID ng Nanay at Tatay, Marriage Certificate

Mga Paalala

  • Wag na po magdala ng masyadong maraming o malalaking pack ng baby wash/shampoo, alcohol, wipes, cotton balls, o cotton buds. Lalo lang pong lalaki at bibigat ang hospital bag niyong bibitbitin at maaari rin pong maiwanan lang o mawala ang matitirang essentials na hindi magagamit.
  • Mainam po kung ang mga damit at gamit ni baby ay nakapack na by set - at by day - at lagyan niyo na rin po ng label para hindi na mahirapan si husband o ang nurse sa paghahanap ng mga gamit. Halimbawa, pagsamahin-samahin mo na ang isang longsleeves na baru-baruan, isang pajama, isang bonnet, isang pares ng mittens, isang pares ng booties/socks, isang pranela, 2 o 3 lampin, at isang diaper ni baby sa isang plastic. Sa labas ng plastic, lagyan mo ng label na DAY 1 o kaya ay BABY SET 1. Ito ang unang set ng gamit na ipapasuot at ipapagamit kay baby paglabas niya. Mainam din kung magkaiba ang bag ni baby sa bag ni mommy.
  • Ihiwalay sa wipes, alcohol, baby wash atbp. ang mga documents mo. Mainam kung ilalagay ito sa isang sealed na lalagyan kung saan hindi ito mababasa o magkakalukot-lukot.

 

Mga Komento