Usapang Panganganak: Paano ba pumili ng lying in kung saan ako manganganak?

Kung dati kang nanganak sa ospital at sa pagbubuntis mo ngayon ay balak mong lumipat sa isang lying-in clinic, ang mga sumusunod po ay mga tips na makakatulong sayo 

 *** 4 na PAALALA SA PAGPILI NG LYING-IN KUNG SAAN KA MANGANGANAK ***

1. Pumili ng lying-in na MARAMING POSITIVE REVIEWS mula sa kaibigan, kamag-anak, kakilala, at pati na rin sa social media. Magtanong-tanong at mag-search na rin po sa Google. Isang search lang ng pangalan ng clinic sa Facebook, siguradong meron at meron kang mahahanap na positive o negative feedback mula sa mga naging pasyente nila.

2. Bisitahin ang lying-in at subukang magpacheck-up dito. Subukan mo ang kalidad ng kanilang serbisyo kapag nagpacheck-up ka. Mabait ba ang mga midwife o staff? Binibigyang-pansin ba ang mga pasyente? Mabait ba si Doktora? Malinis ba ang lugar at ang mga gamit nila? Maayos ba ang delivery room at ang ward o recovery area? Kung sakaling magkaroon ng emergency sa panganganak mo, saang hospital ka ba nila pwedeng dalhin? Safe at Secure ba si Baby sa loob pagkapanganak mo sa kanya? Palagay ba ang loob mo at kampante ka ba na ipagkatiwala ang buhay mo at ng baby mo sa kanila?

3. Pumili ng lying-in na SWAK sa BUDGET mo. Sa unang bisita mo pa lang, tanungin mo na kung magkano ang estimated na babayaran sa panganganak mo para mapaghandaan mo. May posible bang madagdag na babayaran? Tumatanggap ba sila ng Philhealth o kung ano mang health plan na meron ka? Kaya niyo ba ang bayarin?

4. Pumili ng Lying-in na MALAPIT sa bahay mo. Hindi natin alam kung kailan ka dadatnan ng panganganak kung kaya mainam na malapit lang sa iyo ang lying-in kung saan ka manganganak at hindi ka na mahihirapan pa sa pagbyahe. Maganda rin kung may malapit na ospital sa lying-in clinic kung saan maari kayong itakbo in case may emergency kapag manganganak ka na.

Mga Komento