Pwede ba magkamali ang Ultrasound sa GENDER ni baby? Boy o Girl

Mahalagang magpaultrasound ang isang buntis. Dito sa Pilipinas, karaniwang nagpapaultrasound ang isang buntis ng 3 beses o higit pa. Kailangan ito sa pagkumpirma ng pagbubuntis, pagmo-monitor ng kalusugan ng baby, pagmo-monitor ng iyong placenta at panubigan, at iba pa. Makikita din sa ultrasound kung anong gender o kung BOY o GIRL ba si baby.

Ang tanong - kung magpapaultrasound ka ba, 100% sure ba na tama ang makikitang gender ni baby? Pwede ba magkamali ang ultrasound sa gender ni baby?

Base sa iba't ibang websites gaya ng WebMd.com, Bump.com, Verywellfamily.com, Cnn.com, at iba pa, ang accuracy daw ng pelvic ultrasound gender scan ay karaniwang nasa pagitan ng 90 to 95 % kung gagawin ito sa pagitan ng 18 to 24 weeks ng pagbubuntis. Ibig sabihin, hindi natin masasabing 100% sure na tama ang magiging resulta nito, pero NAPAKALIIT NG CHANCE NA MAGKAMALI ang sonographer kung gagawin ang gender scan ultrasound sa pagitan ng 18 to 24 weeks ng pregnancy mo. Ayon sa mga research, sa panahong ito mainam na magpagender scan para kay baby dahil buo na ang kanyang genitalia at nasa optimum na laki sya para mas madaling makita sa ultrasound ang gender niya. 

So bakit nga ba pwede magkamali ang ultrasound sa gender ni baby?

Una, ang laki ni baby. Kung wala pang 18 weeks si baby, pwedeng masyadong maliit pa ang genitalia ni baby kaya hindi nakita nang maayos ng sonographer. Kung masyadong malaki naman si baby kapag mahigit na sa 24 weeks, pwedeng natatakpan ng ibang bahagi ng katawan ni baby ang genitalia niya.

Pangalawa, ang pwesto ni baby sa oras ng ultrasound scan. Mas madaling makikita ng sonographer ang gender ni baby kapag nakacephalic position siya (Ang ulo ay nasa baba, sa bandang puson) at nakabukaka siya. 

Pangatlo, ang ultrasound machine na gagamitin. Kadalasang may mga lumang equipment na mahina na ang soundwaves na tinatransmit kaya malabo na ang imaging scans na nakukuha. Kapag ganun, hindi rin malinaw ang mga imaheng magiging basehan ng sonographer sa pagpe- predict ng gender ni baby. 

Pang-apat, ang skills at experience ng sonographer. Ang sonographer ay ang healthcare professional na nag-ooperate ng ultrasound machine at nagbabasa ng results. Maiging maghanap ng sonographer na magaling at matiyaga sa paghahanap ng tamang puwesto kung saan mas madaling madedetect ng transducer o probe ang mga imaging scans. Mas maganda rin kung ang sonographer na gagawa ng ultrasound mo ay sanay na sa paghanap at pagtingin ng gender signs o yung hamburger sign para sa GIRL at yung turtle sign para sa BOY.

Makakaapekto rin kung kambal o higit pa ang iyong ipinagbubuntis, pati na rin kung overweight o obese ka ba. Ito ay dahil sa mas mahihirapang makakuha ng malinaw na scans ang sonographer kung mas marami ang nakaharang sa sound waves at echo signals. 

So ayun po, may chance po na magkamali ang ultrasound sa pagkuha ng gender PERO napakaliit lang po ng chance na ito kung gagawin ang ultrasound sa pagitan ng 18-24 weeks ng pregnancy. Mas makakasigurado rin po kayo sa ultrasound results kung nakapwesto nang maayos si baby sa panahon ng ultrasound, kung maayos ang ultrasound machine na gagamitin, at kung magaling at matiyaga ang sonographer na gagawa ng ultrasound. 

Mga Komento